We’re also organizing a feeding program for the victims/ evacuees. Anyone willing to help is welcome. Tweet me @bebeLycah or message me for details. Thank you!

We’re also organizing a feeding program for the victims/ evacuees. Anyone willing to help is welcome. Tweet me @bebeLycah or message me for details. Thank you!

1 note - view comments 2 years ago

Angono.. Tradisyon at Kultura sa Pagsapit ng Pyesta

(Photo credits to Hon. Gerry Calderon)

Ako si Angelica P. De Leon na mas kilala sa pangalang Lyka. Nag-iisang babaeng anak nina Merlita De Leon at ni Nestor De Leon na mas kilala naman na Merly at Netoy o Etoy. Nabibilang ako sa kilalang angkan ng Villamar at Picones na pawang parehong tubong taga-Angono. Dito na ko ipinanganak, lumaki, nagka-isip, nag-aral at namumuhay. Labing siyam na taon na ko dito sa aking bayang Angono pero hindi ko lubos maisip na marami pa pala akong hindi nalalaman.

Mayaman sa kultura ang aking bayan at ipinagmamalaki ko ito. Subalit, mas higit ko pa pala syang maipagmamalaki. Sinubukan kong mag Novena para sa kapistahan ni San Clemente. Hindi ko inaasahan na marami pa lang mga tao ang namamanata sa kanya dahil sa paniniwala na ibibigay ni San Clemente ang kahit na anumang hilingin ng isang tao kapag nakumpleto nya ang Novena. Sabi ng kaibigan ko, na tubo ding taga Angono, totoo ang mga ito. Dahil minsan na syang humiling at naganap naman ang kanyang mga inaasahang hiling. Hindi man lahat ay maibigay ni San Clemente, eh nakakasigurado naman na meron at merong matutupad sa mga iyon.

 

(Photo credits to Shiela Nicolas)

Unang araw pa lamang ay namangha na ko, dahil wala akong maupuan. Punong puno ang simbahan ng mga taong nananampalataya sa kanya. Di ko talaga iyon inaasahan. Masaya ang mga tao pagkatapos ng misa. At di ko din inakala, na may sayawan pa lang magaganap sa labas ng simbahan. Ito daw ay isang tradisyon noon pa ng mga taga Angono na mas higit kong ikinagulat dahil wala talaga akong ideya sa mga nagaganap. Kaya nakisayaw na lang din ako at masayang umiindak sa saliw ng tugtog ng banda. Sa mga sumunod na mga araw, medyo paunti ng paunti ang mga nagsisimba. Pero hindi na ako nagtaka, marahil ‘yung iba’y hindi na makukumpleto ang Novena sa kadahilanang may mga importante din silang bagay na dapat asikasuhin.

Ngayong araw na ito ay ang ikasyam na araw ng Novena. Ang pagtatapos at hudyat na bukas ay kapistahan na. Masaya ako sa naging karanasan ko. Masaya ako sa mga nasaksihan at nalaman ko. Ngunit mayroon pa kong hindi nagagawa sa buhay ko. Ang sumakay sa bangka at sumama sa pagoda. Tsaka na lang siguro kapag marunong na akong lumangoy. HAHAHA! Basta taas noo, taga ANGONO ako!

(Photo credits to Melvin Fuentes)

MABUHAY KRISTONG HARI! VIVA SAN CLEMENTE! VIVA!

Posts Tagged with "Angono"